Sinalubong ng mga Bulakeño ang grand rally ng Alyansa ng Bagong Pilipinas sa San Jose Delmonte, Bulacan kung saan ay ipinakilala ni Pangulong Ferdinand Marcos ang kanyang 12 kandidato sa pagka-senador. Cesar Morales
Camarines Sur – Kumpiyansa ang mga kandidato ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas na makukuha nito ang boto sa Camarines Sur bagamat kilalang balwarte ni dating Vice President Leni Robredo na mula sa oposisyon.
Ang “Alyansa” bets ay nanuyo sa Camarines Sur sa pagpapatuloy ng kanilang campaign rally kung saan nasa 52,000 supporters ang dumalo sa Kaogma Grounds, Pili, Camarines Sur.
Sa press conference ng Alyansa na ginanap sa Zeach Bar, Camsur Watersports Complex sinabi ni Sen Tito Sotto na iba ang sinasabi ng survey sa ngayon kumpara noong nakaraang 2 taon.
“iba ang nakikita naming, ang nakakarating sa akin na survey, maayos ang standing ng administration candidates dito” paliwanag ni Sotto.
Noong 2022 election ay nakopo ni Robredo ang 900,000 na boto laban kay Pangulong Bongbong Marcos na 100,000.
Sa panig ni “Alyansa” candidate Erwin Tulfo, sinabi nito na dapat iwasan na ang paglalagay ng label na dilawan, kulay green, pula at pink.
“Do not look at the political color of that area because kapag tiningnan mo kasi dilawan ‘yan, pinklawan ‘yan, yari ka. I don’t look at it that way kasi kapag titignan mo ‘yong kulay ng isang lugar o ng politico na nakakaupo doon kawawa ang tao. Kung kalaban ang politico na ‘yon, kalaban ng namumuno o ‘yong namumuno sa lugar na ‘yon ay kalaban ng gobyerno kawawa ang tao that is why siguro starting from now, the government hindi na dapat tignan ‘yong kulay na nagpapatakbo doon sa bayan na ‘yon, sa lugar na ‘yon rather ‘yong mga tao na lang. Because we have one the same color, it’s not red, it’s not green, it’s not yellow, it’s not pink we all brown hindi po ba?” paliwanag ni Tulfo.
Giit ni Tulfo na panahon na para tanggalin ang kulay sa pulitika.
“Kaya minsan may mga lugar na hindi nabibiyayaan ng pondo because ‘yong nakaupo iba ang iniisip hindi natin kaalyado ‘yan tsaka na ‘yan dito muna sa kaalyado don’t agree, we don’t like that and I don’t like that” dagdag pa nito.
Tiniyak ni Tulfo na sa oras na maupo ang Alyansa sa Senado ay makasisiguro ang taumbayan na pantay pantay ang pagbibigay ng pondo at walang lugar na mapapabayaan dahil lamang sa kinaaanibang partido. Gail Mendoza