MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) na ang huling araw ng pagsumite ng local absentee voting (LAV) forms para sa Eleksyon 2025 ay sa March 7.
Kabilang sa mga kwalipikadong absentee voters ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at mga media practitioners na naka-duty sa araw ng halalan.
Ang mga kawani ng gobyerno, AFP, at PNP ay dapat magsumite ng kanilang forms sa kanilang mga pinuno o supervisor, habang ang mga media personnel ay dapat maghain sa Office of the Regional Election Director, City Election Officer, o Provincial Election Supervisor.
Magkakaroon ng absentee voting mula Abril 28 hanggang Abril 30, bago ang midterm elections sa Mayo 12, 2025. RNT