Home NATIONWIDE Kontrata ng Masungi Georeserve developer tinuldukan ng DENR

Kontrata ng Masungi Georeserve developer tinuldukan ng DENR

Kinansela ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kasunduan nito noong 2002 sa Blue Star Construction and Development Corp., ang developer ng Masungi Georeserve, dahil sa mga isyung legal at kabiguang tuparin ang mga probisyon ng kontrata.

Ayon sa DENR, kulang ang kompanya sa kinakailangang Presidential Proclamation, hindi sumunod sa tamang proseso ng bidding, at nabigong itayo ang 5,000-unit housing project. Inatasan din ng ahensya ang Blue Star na lisanin ang 300-ektaryang lugar sa Rizal kung saan matatagpuan ang Masungi Georeserve.

Binatikos naman ng Masungi Georeserve Foundation ang desisyon ng DENR, sinasabing mas inuuna nitong habulin ang mga tagapangalaga ng kalikasan kaysa sa mga sumisira rito. Iginiit din ng foundation na dumaan sa legal na proseso ang kasunduan at sinisisi ang DENR sa hindi pagtupad sa obligasyon nitong linisin ang lugar mula sa mga iligal na nakatira, na nagdulot ng pagkaantala sa proyekto.

Nangako ang foundation na gagamit ng legal na hakbang upang labanan ang pagkansela ng kasunduan at ipagpatuloy ang pangangalaga sa Masungi Georeserve, isang pandaigdigang kinikilalang conservation site. Santi Celario