Home METRO Cebu Gov. Garcia ‘di bababa sa pwesto sa kabila ng suspension order

Cebu Gov. Garcia ‘di bababa sa pwesto sa kabila ng suspension order

MANILA, Philippines – Tumangging bumaba sa puwesto si Cebu Gov. Gwen Garcia sa kabila ng anim na buwang suspension order mula sa Ombudsman kaugnay ng umano’y pag-abuso sa kapangyarihan sa pagbigay ng special permit sa isang construction firm.

Ipinaskil ang kautusan sa kanyang opisina 14 araw bago ang halalan sa Mayo 12, kung saan muling tumatakbo si Garcia bilang gobernador.

Ayon kay Garcia, “Pending resolution of my query, I have decided to stay put in office,” at patuloy siyang magseserbisyo “within the bounds of law.”

Susulat siya kay Interior Secretary Jonvic Remulla upang kuwestyunin ang legalidad ng kautusan.

Giit ng kanyang mga abogado, labag ito sa Local Government Code at Omnibus Election Code na nagbabawal ng suspensiyon sa loob ng 90 araw bago ang eleksyon nang walang pahintulot ng Comelec. RNT