Home NATIONWIDE Cebu handa na sa 2025 polls – Comelec

Cebu handa na sa 2025 polls – Comelec

MANILA, Philippines – Kumpleto na ang preparasyon sa probinsya ng Cebu para sa nalalapit na May 12 elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Linggo, Mayo 4 matapos maabot ang lahat ng deadlines at timelines na itinakda ng Comelec main office.

Magsasagawa ang Comelec ng final testing ats sealing ng vote-counting machines sa May 7 sa Cebu province at sa May 6 sa Bohol province na nasa ilalim din ng Region 7 (Central Visayas)

Binigyang-diin ni Mamalinta ang mga upgrade sa mga automated counting machines na gagamitin sa midterm elections.

Ayon kay Mamalinta, na ang mga bagong makina ay nagtatampok ng mas malaking 14-inch screen, kumpara sa 7-inc na bersyo at may kasamang screen side protector para sa ballot secrecy.

Ang iba pang pagpapabuti sa makina ay kabilang ang longer-lasting batteries, built-in report cutter, faster ballot scanning (200 milliseconds) at auto-alignment ng balota.

Magpapatupad din ng mas maagang botohan mula alas-5 hanggang alas-7 ng umaga para sa mga persons with disabilities (PWDs), senior citizens at pregnant voters.

Ang mga kasama ng vulnerable voters ay maaari nang magkasabay na bumoto kung sila ay parehong nasa iisang presinto.

Sinabi rin ni Mamalinta ang pagdating ng mga foreign election observers.

Kamakailan ay bumisita sa Comelec Cebu Provincila Office ang European UNion Election Observation Mission Philippines 2025, sa pangunguna ni Amael Vier at Marketa Nervindova, kasama ang kanilang local counterpart Karen Engracia para sa coordination meeting. Jocelyn Tabangcura-Domenden