Home NATIONWIDE Magsasaka, welder arestado sa buy-bust ops sa Pangasinan

Magsasaka, welder arestado sa buy-bust ops sa Pangasinan

PANGASINAN-Swak sa kulungan ang dalawang lalaki matapos na maaresto sa isinagawang anti-llegal drugs buy-bust operation ng mga otoridad sa bayan ng San Manuel ng lalawigang ito kahapon, Mayo 4.

Base sa inilabas na press release ni Police Lt. Col. Benigno C. Sumawang, Chief ng RPIO ng PRO 1, ang mga naarestong suspek ay 38-anyos na magsasaka na residente ng San Manuel, Pangasinan at 25-anyos na welder na residente ng Umingan, Pangasinan.

Ang matagumpay na buy-bust operation ay ikinasa ng mga pinagsanib na puwersa ng RPDEU1 (lead unit), RID PRO1, RIU1, PDEG SOU1, PDEA Pangasinan at San Manuel MPS.

Sa naturang buy-bust operation ay nakakumpiska ang mga otoridad ng isang knot-tied plastic, isang heat-sealed plastic sachet at isang Gold Cup National Match cal. 45 pistol.

Tumitimbang ng 55 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P374,000.00 ang nakumpiskang hinihinalang shabu.

Ginawa ang inventory at markings sa mga nakumpiskang ebidensya sa lugar, sa harap ng mga mandatory witness.

Agad naman pinuri ni Police Brig. Gen. Lou F. Evangelista ang operating team sa tagumpay nilang ito.

“While we remain vigilant to ensure a peaceful and secure observance of the upcoming National and Local Elections, our law enforcement operations continue uninterrupted. This operation demonstrates PRO1’s unwavering commitment to combating illegal drug activities in the region,” wika ni Gen. Evangelista. Rolando S. Gamoso