Home NATIONWIDE ‘Trabaho Para sa Bayan’ program, inilunsad ng PBBM admin

‘Trabaho Para sa Bayan’ program, inilunsad ng PBBM admin

MANILA, Philippines – INILUNSAD ng gobyerno ng Pilipinas ang kauna-unahang labor market development plan o ang Trabaho Para sa Bayan Plan 2025–2034.

Layon nitong lumikha ng mas maraming trabaho, baguhin ang labor market, at itaguyod ang inclusive workforce development alinsunod sa Philippine Development Plan 2023–2028 at sa AmBisyon Natin 2040.

Sinabi ni Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Secretary Arsenio Balisacan, nahaharap ang Pilipinas sa mga bagong hamon dulot ng automation, digitalization, at umuusbong na mga teknolohiya, pati na rin ang climate change at demographic shifts na nakakaapekto sa labor market dynamics ng bansa.

Tiwala naman ang DEPDev na sa tulong ng mga ahensya ng gobyerno, pribadong sektor, at iba pang stakeholders, magtatagumpay ang planong ito sa pagbibigay ng matatag, maginhawa, at panatag na buhay para sa bawat Pilipino.

Ang paglikha ng grand plan ay alinsunod sa Trabaho Para sa Bayan Act (Republic Act No. 11962), na nilagdaan upang maging ganap na batas noong 2023. Kris Jose