
HINDI ba pwede? Kung kwalipikasyon ang pag-uusapan, pambato ng inyong PAKUROT si House Deputy Speaker at Cebu Representative Duke Frasco.
O, tiyak na maraming mag-aabang sa pagbubukas ng 20th Congress ngayong Hulyo at lahat at nananabik upang malaman kung sino ang susunod na House Speaker.
Eh bakit nga hindi, si Frasco ay may malaking advantage dahil siya ay matino, magaling at malinis ang track record.
Kung reporma at maayos na legasiya si Frasco ang pwedeng-pwedeng maging katuwang ni Pangulong Bongbong Marcos sa nalalabi nitong 3 taon sa termino.
Umugong ang pangalan ni Frasco nang hindi nito pirmahan ang manifesto of support para kay House Speaker Martin Romualdez na para sa inyong lingkod ay malalim ang dahilan sapagkat maraming rebelasyon ang hindi pagsuporta sa pinsan ng Pangulong Marcos.
Sa unang tingin, lalabas lamang na ang ginawa ni Frasco ay pag alis sa super majority subalit pagpapakita ito ng katapangan sa harap na rin ng marami nang “silent clamor” na mapalitan si Romualdez.
Marami ang naniniwala na ang mga mambabatas ay sunud sunuran umano sa House Speaker, ang ginawa ni Frasco ay pagiging “independent”.
Hindi matatawaran ang track record ni Frasco — 3 term mayor Liloan at ikatlong termino na din bilang kongresista ng Cebu, nanalo siya sa katatapos na eleksyon sa kabila ng pangangampanya ng mga Duterte sa kanyang kalaban.
Naiangat ni Frasco ang Liloan, Cebu at sa kanyang effective leadership ay kinilala siya bilang isa sa Outstanding Young Men o TOYM in public service.
Nakatutok ang mga programa ni Frasco sa edukasyon, infrastructure, healthcare at land reform. Sa pamamagitan ng House Bill 6900 na iniakda ni Frasco ay ipinatupad ang administrative reorganization ng Camotes Islands.
Ibang ibang ang istilo ng pamamahala ni Frasco, kung pagbabago, stability at genuine service ang ating hangad. Kaya nga makabubuting ito ang mahirang na House Speaker.
Taglay niya ang local roots, ang national experience, ang proven track record at kakayahan na pag-isahin ang mga magkakaibang political blocs hindi sa pamamagitan ng panggigipit kundi gamit ang consensus at competence— ito ang tamang House Speaker.