Home NATIONWIDE Centenarians sa Japan lumampas 100K sa unang pagkakataon

Centenarians sa Japan lumampas 100K sa unang pagkakataon

1
0

TOKYO, Japan — Umabot sa 107,677 ang bilang ng mga taong edad 100 pataas sa Japan, unang beses na lumampas sa 100,000 ang centenarian population ng bansa mula nang simulan ang pagtatala noong 1963.

Ayon sa Japan health ministry, tumaas ng 7,914 ang bilang kumpara noong nakaraang taon at ika-56 sunod na taon na nakapagtala ng record high.

Sa kabuuang bilang, 94,298 o halos 90% ay kababaihan.

Noong 1963, nasa 153 lamang ang centenarians sa Japan. Lumampas ito sa 1,000 noong 1981, 10,000 noong 1998 at 50,000 noong 2012.

Pinakamatandang buhay na babae sa Japan si Fuyo Kishimoto, 114, mula Kyoto, habang si Hikaru Kato, 112, mula Kumamoto ang pinakamatandang lalaki.

Nananatili ring kabilang ang Japan sa mga bansang may pinakamataas na life expectancy, na nasa 81.35 taon para sa kalalakihan at 87.33 taon para sa kababaihan noong 2025. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here