Home NATIONWIDE Sen Pia: I fear for my liberty, right to speak

Sen Pia: I fear for my liberty, right to speak

1
0

MANILA, Philippines — Sinabi ni Sen. Pia Cayetano na nakararamdam siya ng pressure at pangamba para sa kanyang kalayaan at karapatang magsalita sa gitna ng mga kasong kinakaharap ng ilang senador habang nagpapatuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa pagdinig nitong Miyerkules, Setyembre 16, binanggit ni Cayetano ang pagkawala sa mga pagdinig ng ilang senator-judge, kabilang ang mga nakakulong o wala sa bansa.

“I fear for my liberty… I fear for my right to speak,” ani Cayetano.

Kinuwestiyon din niya ang naging pahayag ni National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag hinggil sa kanyang pagbiyahe sa Singapore at sa impormasyon nito tungkol sa kanyang pagbabalik sa bansa.

“Am I a fugitive? Bakit may ganito?” tanong ng senador.

Nauna nang sinabi ng Bureau of Immigration na walang hold departure order o derogatory record laban kina Pia at Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nang umalis sila ng bansa.

Sinabi rin ni Senate President Sherwin Gatchalian na hindi kinakailangang humingi ng pahintulot ang mga senador para sa personal na biyahe sa ibang bansa.

Iniuugnay ni Cayetano ang kanyang pahayag sa nagpapatuloy na debate kung dapat manatiling 16 boto ang kailangan para ma-convict ang isang impeachable official o kung maaaring magbago ang threshold depende sa bilang ng mga senator-judge na aktuwal na makakalahok sa botohan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here