Home NATIONWIDE LPA, ITCZ magpapaulan sa Visayas, ilang bahagi ng Luzon, Mindanao

LPA, ITCZ magpapaulan sa Visayas, ilang bahagi ng Luzon, Mindanao

1
0

MANILA, Philippines — Inaasahang magdadala ng mga pag-ulan ang low pressure area (LPA) at Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Visayas at ilang bahagi ng Luzon at Mindanao ngayong Huwebes, Setyembre 17, ayon sa PAGASA.

Huling namataan ang LPA sa layong 125 kilometro silangan ng Puerto Princesa City, Palawan alas-3 ng madaling araw.

Makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Visayas, Zamboanga Peninsula, BARMM, Northern Mindanao, Caraga, Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Oriental, Batangas, Quezon, Mimaropa at Bicol Region.

Nagbabala ang PAGASA sa posibleng flash floods at landslides sa mga lugar na makararanas ng katamtaman hanggang paminsan-minsang malakas na ulan.

Samantala, inaasahan ang generally fair weather sa Northern at Central Luzon bagama’t posible pa rin ang isolated rain showers at thunderstorms.

Patuloy ding mino-monitor ng PAGASA ang Tropical Storm Dujuan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ngunit wala itong direktang epekto sa bansa at mababa ang tsansang pumasok sa PAR. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here