Home METRO Mag-utol na paslit na nangunguha ng kangkong, nalunod sa Pangasinan

Mag-utol na paslit na nangunguha ng kangkong, nalunod sa Pangasinan

1
0

PANGASINAN — Patay ang magkapatid na lalaki, edad 9 at 10, matapos malunod sa isang palaisdaan habang nangunguha ng kangkong na iuulam sana ng kanilang pamilya sa Bayambang, Pangasinan.

Nagtungo ang magkapatid sa palaisdaan kasama ang isa nilang menor de edad na pinsan dakong 10:30 ng umaga nitong Martes.

Habang nangunguha ng kangkong, napunta umano sa malalim na bahagi ng palaisdaan ang nakababatang kapatid.

Tinangka siyang sagipin ng nakatatandang kapatid ngunit pareho silang nalunod matapos mapunta sa malalim na bahagi ng tubig.

Humingi ng tulong ang kanilang pinsan ngunit hindi na naisalba ang magkapatid.

Ayon sa kanilang amang si Joenil Vigo, huli niyang nakausap sa telepono ang mga anak noong Sabado. Nagtatrabaho siya bilang helper sa isang junk shop sa Bulacan.

Mas masakit pa umano ang pangyayari dahil kasabay nito ang kaarawan ng ina ng mga bata na si Mary Joy.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung may pananagutan ang may-ari ng palaisdaan sa insidente. Hindi pa nakukuha ang panig ng may-ari. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here