Home NATIONWIDE Bam sa DOST: Gamitin P30.87-B budget para mapamura bilihin, serbisyo

Bam sa DOST: Gamitin P30.87-B budget para mapamura bilihin, serbisyo

2
0
📸 Cesar Morales

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Sen. Bam Aquino ang Department of Science and Technology (DOST) na tiyaking magagamit ang panukalang P30.87-bilyong budget nito para sa 2027 upang makatulong na mapababa ang presyo ng pagkain, gamot, enerhiya at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino.

Sa pagdinig sa panukalang budget ng DOST, sinabi ni Aquino na dapat maramdaman sa araw-araw na buhay ng publiko ang pakinabang ng agham at teknolohiya.

📸 Cesar Morales

“So let me begin my statement by quoting Secretary Solidum. Sabi ho niya, ‘dapat ramdam ang agham. Ang agham, dapat ramdam,’” ani Aquino.

Ayon sa senador, maaaring gamitin ang science and technology upang mapataas ang ani ng mga magsasaka at mangingisda, mapahaba ang shelf life ng pagkain at mabawasan ang nasasayang na produkto.

Maaari rin aniyang makatulong ang teknolohiya sa pagpapababa ng production, energy, transportation at distribution costs, gayundin sa pagtulong sa maliliit na negosyo na makalikha ng mas abot-kayang produkto.

Binigyang-diin din ni Aquino ang papel ng DOST sa disaster preparedness sa pamamagitan ng weather forecasting, hazard mapping, early warning systems, flood monitoring at climate-resilient technologies.

Ang “Agham na Ramdam” ay bahagi rin ng adbokasiya ng DOST na gawing konkreto at kapaki-pakinabang sa mga komunidad ang science, technology at innovation.

“Kaya ngayon po, sa pagtutok natin sa budget ng DOST, sisiguraduhin po natin na ang bawat pisong inilalaan sa agham at teknolohiya ay humahantong sa magagandang bagay para sa ating mga kababayan,” ani Aquino. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here