Home NATIONWIDE Cha-cha suportado ng mga grupo ng magsasaka – ex-solon

Cha-cha suportado ng mga grupo ng magsasaka – ex-solon

MANILA, Philippines- Inihayag ng dating kinatawan ng agriculture sector sa Kamara na sinimulan nang mangalam ng farmers’ groups sa buong bansa ng mga pirma para sa charter change.

“We have mobilized our leaders and farmers’ groups not only in Albay, but in the entire country to get the number of signatures needed for the People’s Initiative. We are in close coordination with other people’s organizations and local government leaders who are with us in this campaign,” pahayag ni dating Rep. Argel Cabatbat ng Magsasaka Partylist nitong Martes.

Aniya, umaasa ang farmers’ groups na mapabibilis ng pag-amyenda sa 1987 Constitution ang modernization program para sa agriculture sector.

Inihayag ito ni Cabatbat bilang tugon sa pahayag ni Albay Rep. Edcel Lagman na vote buying upang makakuha ng suporta para sa charter change sa pamamagitan ng people’s initiative.

Nais umano ng mga tagapagtaguyod na magkaroon ng constitutional provision na papayagan ang Kamara at Senado na bumoto nang iisa, sa halip na hiwalay, sa pag-amyenda sa Konstitusyon. Dahil dito, magkakaroon ang 315-member House ng “upper hand” sa 24-member Senate, na tutol sa mga nakaraang pagtatangkang baguhin ang charter.

“I wish to disabuse his mind that public funds are spent for this purpose. This is an insult to the prime-movers of the People’s Initiative who spent their own money as well as to private donors who donated the printed forms needed for the signature campaign,” wika niya.

Ipinaliwanag niCabatbat na bukas ang farmers’ groups sa pag-amyenda sa ilang probisyon ng 1987 para maisakatuparan ang modernization program para sa agriculture sector.

Itinanggi naman ni Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin Jr. ang umano’y paglalabas ng pera sa municipal mayors sa Albay, na tinawag itong “wild and baseless accusation.” RNT/SA

Previous articlePinas muling nanawagan sa Indonesia: Mary Jane Veloso isalba
Next articleMMFF 2023 kumita ng P1.069B