Home ENTERTAINMENT Chariz, nakubra na ang 50% ng TF sa dating show!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Chariz, nakubra na ang 50% ng TF sa dating show!August 26, 2026 18:3220 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Nakasingil na sa wakas si Chariz Solomon ng kanyang talent fee sadating show na Tahanang Pinakamasaya.Ang TP ay ang dating “new Eat Bulaga” pagkatapos bumaklas ang TVJ at lumipat sa TV5.Pero ang nakubra ni Chariz ay kalahati lang.Ewan nga lang kung kelan siya mababayaran ng balance.Pero nauna nang bayaran ang kanilang grupo na nagtrabaho sa TP two years ago.Masaya na din si Chariz kahit paano.Matatandaang nanawagan sila ni Buboy Villar sa Tape, Inc. na producer ng TP tungkol sa unpaid talent fees nila.Nangyari ang panawagan nila sa kanilang show na Your Honor.Ani Chariz, kauna-unawa naman daw ang kanilang kalagayan dahil meron din naman silang mga pangangailangan.Sa pagtatrabaho nilang ‘yon sa TP ay may mga tinanggihan silang raket from where they could have earned.Na-bash din kasi si Chariz sa ginawang paniningil sa Tape, Inc. to the point na hindi na pinanonood ng mga bashers ang Your Honor nila ni Buboy.In fairness, marami daw natutunan si Chariz sa TP during their time. Ronnie Carrasco III