Manila, Philippines – Sa launching ng VBank na pag-aari ni Gov. Chavit Singson, inalala ng buthing public servant ang panahong binigyan siya ng walong por siyentong chance na mabuhay, noong magka-Covid siya noong pandemya, taong 2020.
Dahil may sariling ipon kung kaya’t natawid niya ang buhay noong siya’y nanganganib.
Kaya naisip niya, paano kung salat sa kabuhayan ang tinamaan ng ganitong karamdaman? Sa hukay na lang ba mapupunta ang labi ng namatay?
Dahil dito, namulat ang kanyang kaisipan kung paano na kapag mahirap ang isang tao?
Kaya namulat sa kanyang adhikain ang kasabihang bawal ang magkasakit.
Hindi na raw niya kailangan ang magpayaman dahil meron siyang pundar, ang nais niya’y makatulong at mapaunlad ang buhay ng mga nasa laylayan.
Si Chavit ang nagsusulong gayon ng E-Bus, E-Bike at iba-ibang transportasyon na may kinalaman sa libreng transportasyon gamit ang kuryente lamang.
Sa kasalukuyan, ani Chavit, nakasentro siya sa ginagawang factory na gumagawa ng E-Motors sa may Laguna at nagdatingan na raw ang ibang mga top executives na kanyang nakausap mula sa Korea na kanyang inimbitahan para sa nasabing negosyo.
Sa ngayon ay inatras na ni Chavit ang kanyang kandidatura bilang senador dahil sa kanyang kalusugan. Ador V. Sauta