Home ENTERTAINMENT Jak at Bini Aiah, spotted sa isang diving resort, sila na ba?

Jak at Bini Aiah, spotted sa isang diving resort, sila na ba?

Manila, Philippines – Takaw kontrobersya rin ang kilalang all-girl Ppop group na Bini, sa pagpasok ng 2025.

Pagkatapos na i-link si Rico Blanco kay BINI Maloi na pinalagan ng huli, si BINI Aiah naman ang iniisyu sa ex ni Barbie Forteza na si Jak Roberto.

Kumalat kasi sa social media ang litrato ng dalawa kasama ang ilang mga kaibigan sa isang scuba diving spot.

Nabibigyan ng malisya ang kanilang pagsasama lalo pa’t bago pa lang pumutok ang breakup ng JakBie.

Ito naman ang reaksyon ng ilang tsismosang kapitbahay sa sighting sa dalawa.

“Upgrade”

“Yung isa kay rico blanco, yung isa kay Jak?”

“Downgrade kaya.”

“May mga kasama silang ibang tao sa pictures nila, tapos sasabihin mo sila na?”

“Ang bilis ah. Naghahanap agad ng bagong kapalit. Lol.”

“Kahapon si Maloi kay Rico ngayon naman si Aiah kay Jak sino next ??”

“Lumalab life ang mga BINI.” Archie Liao