Home NATIONWIDE Pagdeklara bilang nuisance sa ilang kadidato, pinigilan ng SC

Pagdeklara bilang nuisance sa ilang kadidato, pinigilan ng SC

MANILA, Philippines -Hinarang ng Korte Suprema ang mga kautusan ng Commission on Elections (Comelec) na nagdiskuwalipika at nagdeklarang nuisance candidates sa ilang nais kumandidato sa 2025 elections.

Naglabas ng temporary restraining order ang Supreme Court laban sa pagpapatupad ng mga resolusyon ng Comelec na nagdeklarang nuisance candidates kina Subair Mustapha sa pagka-senador at Charles Savellano sa pagiging kinatawan ng Ilocos Sur 1st District.

Pinigil din ng SC ang pagbasura ng Comelec sa aplikasyon ni Chito Balintay na miyembro ng indigeneous peoples sa Zambales, sa pagkandidato bilang Zambales governor kaya hindi ito nakapaghain ng CoC.

Pinaboran din ng Korte Suprema ang mga petisyon nina Edgar Erice at Florendo Ritualo, Jr., laban sa pagdiskuwapika at pagkansela sa kanilang certificate of candidacy.

Ipinag-utos ng SC sa Comelec na magsumite ng komento sa mga petisyon sa loob ng 10 araw. TERESA TAVARES