Home ENTERTAINMENT Chavit, nalulungkot kay Ai Ai!

Chavit, nalulungkot kay Ai Ai!

Manila, Philippines – Sa launching ng Vbank app ay ilang beses inulit ng senatoriable na si Chavit Singson na favorite inaanak niya si Ai Ai de las Alas na present din sa nasabing event.

Alam naman ng lahat ang nangyari sa marriage ni Ai Ai kay Gerald Sibayan.

Nakipaghiwalay na sa kanya si Gerald by text at isa raw sa mga dahilan ay dahil hindi sila magkaanak.

“Si Ai Ai, inaanak ko yan sa kasal kaya tinatanong ko siya kung meron pa ba akong aanakin na anak nila, e, wala na raw kaya nalulungkot ako.

“Siya kasi ang favorite ko.

“Pero di bale, kasama naman si Ai Ai sa project ko na Vbank dahil siya ang brand ambassador at kasama rin siya sa mga pelikulang ipo-produce ko,” sabi ni Manong Chavit.

Nagpirmahan na pala ng kontrata sina Chavit at ang GMA people sa pangunguna ni Mam Anette Gozon. Si Manong Chavit ang magpi-finance ng mga pelikula ng GMa.

“Barkadahan ng Makasalanan. ‘Yan anf unang gagawin kong movie ngayon kasama ang GMA.

‘Yung nanay ko, dating movie producer kaya itutuloy ko lang ang ginagawa niya.

“May dalawa oaming sinehan noon kaya yan ang negosyo ng nanay ko pero sabi nga niya sa akin, don’t put your eggs in one basket,” kwento ni Manong Chavit.

Ang Vbank naman ay isang online banking na regulated ng Central Bank.

Ang Japan side daw ang tumulong sa kanya rito pero idea niya ang lahat.

Malaki raw ang tulong nito sa OFWs na gustong magpadala ng pera sa kanilang pamilya dahil hindi raw ito naniningil ng service fee.

Binanggit din ni Chavit na may kausap siya sa Korea na magtatayo ng prang Hollywood sa Vigan at marami na ang nag-aabang dito.

Pinaliwanag din ni Manong Chavit na kaya senador ang tinatakbuhan niya ay para maging batas na ang free economic zone na hanggang ngayon ay di pa raw na-approve. JP Ignacio