MANILA, Philippines- Habang hinihintay ng pamahalaan ang pagdating ng mga bakuna, maglalatag ng checkpoints sa iba’t ibang parte ng Luzon upang mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever sa Batangas, base sa Department of Agriculture nitong Miyerkules.
Sinabi ni DA Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. na idinisenyo ang karagdagang border controls upang pigilan ang pagkalat ng mga maysakit na baboy, na may malaking bahagi sa mabilis na pagkalat ng ASF sa Batangas.
“The checkpoints are a temporary measure while the government awaits the arrival of ASF vaccines, a process that could take a few weeks,” ani Laurel.
“We have the funds to procure the vaccines and the emergency funds to indemnify hog raisers adversely affected by the resurgence of the ASF virus. The vaccine procurement is essential for controlling the outbreak but acknowledged the delay in securing those vaccines,” dagdag niya.
Hinihinalang ang mabilis na pagkalat ng ASF sa Batangas ay dulot ng “unscrupulous” hog traders na nagbebenta ng mga maysakit na baboy.
Ipinaliwanag ni DA Assistant Secretary for Swine and Poultry Constante Palabrica na makatutulong ang border controls sa pagpigil sa pagbiyahe ng mga maysakit na hayop, kabilang ang mga ibon.
“We have set up additional livestock quarantines and will keep it there at least until December 31. Policemen along with Bureau of Animal Industry and other DA personnel will man the checkpoints,” ani Palabrica.
Nagresulta ang bagong ASF outbreak sa pagdedeklara ng state of calamity ng ilang bayan sa Batangas upang magamit ang emergency funds.
Ani Palabrica, natukoy ng DA ang central burial sites para sa mga baboy na sapul ng ASF o mga nasawi mula sa virus.
Batay sa Bureau of Animal Industry (BAI) monitoring, kumalat na ang ASF sa 17 rehiyon ng Pilipinas at nakaapekto sa 74 lalawigan. Hanggang noong Agosto 8, 64 munisipalidad sa 22 lalawigan ang nakapag-ulat ng ASF cases. RNT/SA