MANILA, Philippines- Nagsanib-pwersa na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang telecommunications giant PLDT, Inc. para buhayin ang 911 emergency hotline ng bansa sa pamamagitan ng paggamit ng “seamless system” ng teknolohiya.
Sa katunayan, nilagdaan nina DILG Secretary Benjamin Abalos Jr., Emergency 911 National Office executive director Francis Fajardo, United States-based firm Next Generation Advanced (NGA) 911 founder at chief executive officer Don Ferguson, at PLDT first vice president at pinuno ng enterprise at international business groups Albert Mitchell Locsin ang isang memorandum of understanding (MOU) sa isinagawang Emergency 911 National Summit sa EDSA Shangri-La Hotel sa Mandaluyong City, araw ng Miyerkules.
“The MOU is just a generic cooperation, which would also involve PLDT. It would assist our local government units (LGUs) because PLDT has so many requirements in terms of setting up these systems. We hope that they would be able to assist the LGUs in setting up this 911 system for immediate emergency response,” ayon kay Abalos.
“This seamless technology will establish inter-connectivity of the 911 hotline among the country’s more than 7,000 islands,” dagdag na wika nito.
”We received about 28,346 calls from January to June. And of this number, close to 24,000 are emergency calls. These need immediate response,” ayon pa rin sa Kalihim.
Umaasa naman si Abalos na mapalalawig nito ang 911 system sa Bureau of Fire Protection (BFP) dahil nakatuon lamang ito sa Philippine National Police (PNP).
Aniya, ang bilang ng mga interior department personnel na tumatanggap ng tawag mula sa hotline ay tumaas na sa 150 mula sa 30, may karagdagan pa mula sa PNP, BFP, at Bureau of Jail Management and Penology.
Winika ni Abalos na ang kakulangan sa manpower para sa hotline ay matutugunan na ng modernong teknolohiya.
Samantala, sinabi naman ni Fajardo na ang modernisadong emergency 911 system ay makapagdi-discourage sa prank callers dahil madali na silang mahahanap.
Aniya, ang “patented call handling system” ng NGA 911 ngayon ay mayroong teknolohiya na makapagbibigay ng 80% hanggang 90% accuracy.
Tinuran pa ni Fajardo na kabilang sa NGA system ay ang advanced mapping, incident management systems, at IP (internet protocol) camera integrations.
Sinabi nito na nananatiling matatag ang kanilang commitment sa public safety sa pamamagitan ng “meticulous planning” at dedikasyon katulad ng ginawa nila sa komprehensibong estratehiya na isinama sa”‘cutting-edge technology, data-driven analytics, rigorous training, at resilient infrastructure.”
“The number of activated E911 Local Call Centers has tripled, with LGUs expressing their interest in having activated E911 local call centers before the year ends,” ani Fajardo.
“We are committed to share our knowledge and expertise to all LGUs nationwide, fostering a culture of excellence and accountability at all levels of governance. Through the establishment of standards and incentive schemes, we aim to encourage widespread participation in this shared mission,” dagdag ng opisyal. Kris Jose