Home NATIONWIDE China binalaan Europe sa pagsuporta sa South China Sea ruling

China binalaan Europe sa pagsuporta sa South China Sea ruling

1
0

BEIJING — Hinimok ng China noong Martes ang mga bansang Europeo na itigil ang pagsuporta sa arbitral ruling kaugnay ng South China Sea, kasabay ng babala na maaaring maapektuhan nito ang relasyon at kooperasyon ng China at European Union.

“Europe is not a party to the South China Sea issue and has no right to comment on China’s legitimate territorial sovereignty and maritime rights and interests in the South China Sea,” pahayag ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Lin Jian sa isang press briefing.

Inilabas ni Lin ang pahayag matapos sabihin ng ilang bansa, kabilang ang ilang European nations, sa isang joint statement noong Linggo na walang legal na batayan ang malawak na maritime claims ng China sa South China Sea. Naglabas din ng kaugnay na pahayag ang European Union.

Tinawag ng China na “illegal ruling” ang desisyon ng arbitral tribunal at hinimok ang Europe na maging maingat sa mga pahayag at hakbang nito.

Sinabi rin ni Lin na ipinatawag ng Beijing ang mga opisyal ng mga embahada ng mga bansang sangkot at ang EU delegation sa China upang maghain ng pormal na protesta. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here