Home NATIONWIDE China kinondena nina Binay, Poe sa pagbangga ng PH supply ship sa...

China kinondena nina Binay, Poe sa pagbangga ng PH supply ship sa WPS

MANILA, Philippines – Matinding kinondena ng dalawang mambabatas sa Senado ang patuloy na panggigipit ng China sa Pilipinas matapos banggain ng Chinese Coast Guard (CCG) ang isang supply ng Philippine Navy sa Escoda Shoal, sakop ng West Philippine Sea (WPS).

Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi nina Senador Nancy Binay at Grace Poe na dapat nang kumilos ang kinauukulang ahensiya upang paiigtingin ang pagpatrolya sa WPS.

Ayon kay Binay, hindi na makatao at makatuwiran ang pagkilos ng Chinese Coast Guard laban sa BRP Datu Sunday na naghahatid ng suplay nitong Agosto 25 na malinaw na panghihimasok na naglagay sa panganib sa buhay ng ating sundalo.

“We call upon the government of the People’s Republic of China to immediately cease and desist from all inflammatory actions that test the limits of our nation’s goodwill,” ayon kay Binay.

“These inhumane and unjustifiable actions taken by the Chinese Coast Guard against BRP Datu Sanday on a lawful resupply mission on August 25 are clear acts of aggression that endanger the lives of our brave servicemen,” dagdag ng senador.

Sinabi ni Binay na hindi lamang paglabag sa intertional law ang “unwarranted act” ngCCG kundi pagbabalewala sa kabutihan at pagtitimpi ng gobyerno ng Pilipinas na patuloy na tinutugunan ang sigalot sa mapayapang pamamaraan.

“We will continue to stand firm in our commitment to securing our territorial rights and safeguarding the welfare of our people,” ayon kay Binay.

“The Philippines, as a peace-loving nation, will continue to pursue diplomatic avenues to resolve these disputes, but let it be clear: Our resolve to defend our sovereignty and our people is unshakeable,” tiyak ng mambabatas.

Kinondena rin ni Poe ang iresponsableng pagbangga ng China sa loob mismo ng ating teritoryo na naglagay sa panganib sa ating sundalo na naghahatid ng suply sa BRP Sierra Madre.

“Binabalewala ng pagkilos ng China ang kalayaan sa ruta ng karagatan na ginagarantiyah sa pangdaigdigang batas,” ayon kay Poe.

Tiniyak niya na patuloy na maninindigan ang Senado sa Philippine Coast Guard at ilantad ang illegal na aktibidad ng China upang maghatid ng mensahe na hindi natin hahayaan ang pambubully sa ating karagatan.

“We will continue to stand behind our Coast Guard in protesting and exposing these unlawful activities to send a message that such bullying will always be met with pushback,” aniya.

“At the same time, we urge concerned agencies to intensify our maritime security cooperation with our allies and neighbors that similarly believe that the international law is on our side,” giit ng senadora. Ernie Reyes