BEIJING, China – Nagsagawa ang China ng naval, air, at coast guard patrols sa paligid ng Scarborough Shoal (kilala rin bilang Bajo de Masinloc o Panatag Shoal) sa West Philippine Sea, ayon sa kanilang military at coast guard.
Ang shoal ay nasa exclusive economic zone (EEZ) ng Philippines ngunit inaangkin din ito ng China bilang bahagi ng kanilang teritoryo.
Ang patrol ay isinagawa matapos muling magdaos ng high-level talks ang China at Pilipinas tungkol sa pinagtatalunang karagatan at posibleng oil and gas cooperation sa lugar.
Ayon sa Chinese military Southern Theater Command, “Such patrols serve as an effective countermeasure to cope with all sorts of rights-violation and provocative acts.”
Sa panig ng Pilipinas, sinabi ng Department of Foreign Affairs na nagkaroon ng unang malawak na pag-uusap ang dalawang bansa mula Marso 2023 upang pag-usapan ang relasyon at confidence-building measures.
Sa mga nakalipas na buwan, tumindi ang tensyon sa lugar dahil sa mga ulat ng “dangerous maneuvers” at paggamit ng water cannon ng China Coast Guard laban sa mga misyon ng Pilipinas.
Patuloy na hinihintay ang opisyal na pahayag ng Philippine embassy sa Beijing tungkol sa insidente. RNT/MND