Home NATIONWIDE Loan relief para sa PUV, TNVS operators hiniling ng solon

Loan relief para sa PUV, TNVS operators hiniling ng solon

161
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senior Citizens party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na utusan ang mga ahensya ng gobyerno na magbigay ng loan payment relief para sa mga public utility vehicle (PUV) at transport network vehicle service (TNVS) operators mula Abril hanggang Hunyo.

Ayon kay Ordanes, maraming transport operators ang nahihirapan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, kaya hindi na raw sapat ang kita para mabayaran ang kanilang mga utang.

Hiniling niya sa Development Bank of the Philippines at Land Bank of the Philippines na magbigay ng loan deferment, restructuring, o iba pang klase ng payment relief para sa mga apektadong sektor.

Iminungkahi rin niya sa Bangko Sentral ng Pilipinas na payagan ang mga bangko na magbigay ng mas flexible na polisiya para sa iba pang sektor tulad ng mangingisda, magsasaka, maliliit na negosyante, at tourism enterprises.

Dagdag pa niya, dapat ding pag-isipan ng Energy Regulatory Commission ang pansamantalang pagpigil sa disconnection notices at pagbibigay ng installment options sa mga hindi nakabayad ng kuryente.

Ayon kay Ordanes, mahalaga ang malasakit at tulong mula sa mga institusyon lalo na ngayong panahon ng Holy Week at patuloy na pagtaas ng gastusin sa pang-araw-araw na buhay. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here