Home NATIONWIDE China nagsagawa ng military drills sa S. China Sea

China nagsagawa ng military drills sa S. China Sea

BEIJING- Nagsagawa ang China ng military “combat patrols” nitong Linggo sa pinagtatalunang South China Sea, ayon sa army nito, sa parehong araw na umarangkada ang joint drills ng Pilipinas, United States, Japan at Australia.

Kasunod ang anunsyo ng pahayag ng apat na defense chiefs mula mga bansa kasama ang Pilipinas– na sangkot sa ilang maritime disputes sa Beijing kamakailan— na magsasagawa ang mga ito ng joint drills sa lugar.

Anang People’s Liberation Army (PLA) Southern Theater Command ng Beijing, nag-oorganisa ito ng “joint naval and air combat patrols in the South China Sea”.

“All military activities that mess up the situation in the South China Sea and create hotspots are under control,” pahayag nito.

Hindi naman idinetalye ang Chinese military activities sa waterway nitong Linggo. RNT/SA