Home NATIONWIDE China sa PH: Typhon missile launchers ng US, alisin na sa Pilipinas

China sa PH: Typhon missile launchers ng US, alisin na sa Pilipinas

MANILA, Philippines – Muling nanawagan ang China sa Pilipinas na alisin na ang Typhon missile launchers ng Estados Unidos matapos ang ulat na inilipat ito sa ibang lugar sa Luzon.

“We once again call on the Philippines to heed the call from regional countries and their peoples, correct the wrongdoing as soon as possible, quickly pull out the Typhon missile system as publicly pledged, and stop going further down the wrong path,” pahayag ni Chinese foreign ministry spokesperson Mao Ning sa isang press conference sa Beijing.

Ayon sa isang source na opisyal ng pamahalaan, inilipat ng US military ang Mid-Range Capability missile system nito mula sa Laoag airfield patungo sa ibang lokasyon sa Luzon.

Kayang targetin ng Tomahawk cruise missiles sa mga launcher nito ang China at Russia mula sa Pilipinas, habang ang SM-6 missiles ay kayang patamaan ang air at sea targets nang mahigit 200 kilometro ang layo.

Samantala, sinabi ni Mao na ang deployment ng Typhon missile launchers sa rehiyon, “the Philippines is essentially creating tensions and antagonism in the region and inciting geopolitical confrontation and an arms race.”

“This is a highly dangerous move and an extremely irresponsible choice for its own people, the people of the other Southeast Asian countries, and regional security,” dagdag pa niya.

Nanawagan din si Mao sa US na huwag makialam sa maritime issues sa South China Sea (SCS). RNT/JGC