Home METRO 3 laglag sa nilusob na drug den sa Cebu

3 laglag sa nilusob na drug den sa Cebu

MANILA, Philippines – Binaklas ng mga awtoridad ang hinihinalang drug den sa Barangay Caleriohan, Dalaguete, southern Cebu nitong madaling araw ng Biyernes, Enero 24.

Kasabay nito ay naaresto ang mga suspek na kinilalang sina alyas “Juanito,” 53, habal-habal driver, at alyas “Angelo”, 33, isang magsasaka.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency in Central Visayas (PDEA-7), si Juanito ang target ng operasyon.

Sa kabilang banda, si Angelo, ang hinihinalang maintainer ng drug den.

Ang dalawa ay kapwa residente ng Brgy. Caleriohan.

Samantala, nahuli rin ng mga operatiba ang empleyado ng drug den na kinilalang si alyas
“Margarita,” 39, isang food vendor at residente ng Barangay Jolomaynon, Dalaguete.

Narekober sa operasyon ang 51 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P346,800.

Nakuha rin ang cash na pinaniniwalaang kita mula sa illegal na droga.

Ipinasa sa PDEA-7 Regional Office Laboratory ang mga narekober na illegal na droga para sa chemical analysis at tamang disposisyon.

Nasa kustodiya ng mga awtoridad ang tatlong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC