Home NATIONWIDE Chinese national arestado sa pagdukot, pagpatay sa POGO employee

Chinese national arestado sa pagdukot, pagpatay sa POGO employee

MANILA, Philippines – Isang Chinese national ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa ikinasang operasyon Miyerkules ng gabi sa Baclaran, Pasay.

Ayon kay Atty. Joel Tovera, Assistant Regional Director ng NBI- National Capital Region, nakatanggap sila ng impormasyon na miyembro ito ng grupo ng Kidnap for Ransom ang siyang responsable sa pagdukot at pamamaslang sa isang Chinese-Malaysian PPGO employee noong Oktubre 2023.

Target umano ng nasabing grupo ang kapwa nila Chinese at hinihingan ng random.

Ayon pa kay Tovera, tuloy-tuloy ang kanilang pag-iimbestiga sa kinidnap na POGO employee at pagkatapos nilang hingan ng mahigit kumulang P4 million ang pamilya ng biktima ay saka pinatay nila at itinapon sa San Simon, Pampanga.

Natrack ng NBI ang sasakyan na ginamit ng suspek na ginamit din nang itinapon ang bangkay ng biktima sa San Simon, Pampanga.

Natunton ito Miyerkules ng umaga sa Pampanga bagamat aminado si Tovera na nahirapan sila dahil napapalitan ng plaka pero nahuli rin nila ang driver nito sa Baclaran, Pasay kagabi.

“Nakita po natin itong sasakyan na ito galaw ng galaw tumatakbo from one place to another, Taguig, Pasay, Makati at Clark sa Pampanga. At ito raw na ito nakita ng ating mga operatiba ang sasakyan sa Clark, at sinundan na po namin ito dahil itong sasakyan kinakabitan nila ng ibat ibang plate numbers,” dagdag ni Atty. Tovera.

Nakumpiska sa suspek ang mga illegal na droga , drug paraphernalia, mga bala at mga pekeng plaka.

Mayroon ding magazine ng kalibre 45 at meron din hinihinalang white crystalline substance o shabu.

“Lahat ay ifo-forward namin sa ating forensic chemistry division for further analysis,” ayon kay Atty. Tovera.

Mahaharap sa reklamong paglabag sa Anti-Carnapping Law, paglabag sa Dangerous Drugs Act at Illegal Possession of Firearms and Ammunition ang suspek.

Hindi tumitigil ang NBI sa kanilang imbestigasyon para matunton pa ang iba pang miyembro ng grupo.

Iimbestigahan pa rin ng NBI ang kasong kidnapping with homicide na pinagsimulan ng kaso ito para maidentify ang mga kasamahan ng suspek na nagsagawa ng kidnapping for ransom na nauwi sa pamamaslang sa kanilang bitkima, ayon kay Tovera. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleTop 3 most wanted person ng NPD, arestado sa Caloocan
Next articleTransparency sa power outages iginiit ni Tolentino sa NGCP