Home OPINION KUMANA NA NAMAN ANG MGA ‘CHINGKIT’

KUMANA NA NAMAN ANG MGA ‘CHINGKIT’

HETO na naman ang mga mapagsamantalang mga Tsekwa. Bukod sa binabalahura na ang ating mga likas na yamang dagat, eh nagsasabi pa ngayon na may kasunduan na daw sila sa Pinas noon pang nakaraang administrasyon at sa kasalukuyan, kaya ginagawa nila ang pamumugad sa West Philippine Sea.

Halatang-halata na ito ay kanilang propaganda lamang para maiiwas ang kaisipan ng lahat, sa UNCLOS decision, na atin ang mga bahagi ng karagatang inaangkin ng mga Tsekwa.

Ang mga opisyal ng dalawang administrasyon na binabanggit nitong mga “Chingkit” ay pinabulaanan na ang isyung ito.

Sabi nga ni National Security Adviser Eduardo Año, ang pahayag ng China na mayroong “gentleman’s agreement” patungkol sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa may West Philippine Sea ay ‘di man lang maback-up ng anomang dokumento.

Kung ako naman ang inyong tatanungin, kailangan na rin nating singilin itong mga Tsekwa sa isyung ito. Ang mga isda sa ating mga palengke, halimbawa, ay imported na. Kasi mahina na o halos wala nang mahuling isda ang ating mga mangingisda. Eh kasi pa hinaharang nga at tinataboy pa nitong mga baboy na Chinese.

Baboy ang aking tawag sa pag-uugali nitong mga Tsekwa dahil talaga namang binababoy na tayo. ‘Yan mga nabibiling imported na isda ay atin, hinuhuli ng mga baboy na Tsekwa ang mga ito at ini-import pa sa atin.

Oh! ‘Di ba pambababoy ‘yan. Isa pa, ang coral reefs natin sa karagatang nabanggit ay halos patayna  dahil sa kanilang sobrang pangingisda at paggawa ng mga artipisyal na mga isla sa karagatang ito.

Tapos ay sasabihin pang may kasunduan tayo sa kanila kaya nila ginagawa ang mga aktibidad na ito.

Utot n’yo! Sinong maniniwala sa mga baboy na Tsekwang mga  ‘to? Nararapat lamang na himingi na tayo ng kompensasyon sa kanilang pambababoy sa atin at sa ating mga teritoryo.

Siguro d’yan natin simulan nang matapos na ang panlalamang ng mga baboy na mga Tsekwang ito.