Home METRO Chinese national naharang sa puslit na pagong

Chinese national naharang sa puslit na pagong

MANILA, Philippines- Kinumpiska ng mga tauhan ng TMO San Carlos ang tatlong buhay na ‘pagong’ mula sa Chinese national matapos itong maharang sa screening area dahil sa paglabag sa “Wildlife Resources Conservation and Protection Act,” ayon sa Philippine Ports Authority (PPA).

Pag-aari umano ni Qin Qing ang mga nakumpiskang pagong patungong San Carlos-Toledo trip.

Ito ay itinurn-over kay Noel Molina ng Bureau of Animal Industry para sa proper handling at para mapakalawan ito sa kanilang natural habitat.

Pinigil naman ng awtoridad ang Chinese national para sa ilang pagtatanong kaugnay sa nakumpiskang pagong na kanyang ipinuslit.

Ayon sa PPA, ang collaborative efforts sa frontline service ng PPA ay nagpapatunay ng matibay na resulta sa pagprotekta ng wildlife kasama ang port security at public welfare. Jocelyn Tabangcura-Domenden