Home SPORTS Chot Reyes nasaktan sa paninisi; nagretiro na sa Gilas

Chot Reyes nasaktan sa paninisi; nagretiro na sa Gilas

INIHAYAG  ni Chot Reyes noong Sabado ng gabi ang kanyang intensyon na bumitiw na bilang head coach ng Gilas Pilipinas kasunod ng 96-75 panalo ng koponan laban sa China para tapusin ang kanilang 2023 FIBA World Cup run.

Sinabi ni Reyes, na bumalik sa puwesto noong Enero 2022, na dumating siya sa desisyon kasama ang kanyang pamilya, na idiniin na ang galit na nakukuha niya mula sa mga tagahanga ay naging ‘masyadong mabigat’ upang mahawakan.

“I arrived with that decision with my family. I just think it’s time,” ani Reyes sa miyembro ng Philippine media matapos ng post-game interview.

“Lahat ng kalaban na ‘yan, nilabanan namin, Italy, Dominican, Angola, but we fell short. But France hindi umabante, Australia is not advancing, there’s so many powerful teams na hindi umaasenso.”

“Pero sa Pilipinas, bawal matalo eh. Dito sa atin, bawal matalo.”

Nag-open din si Reyes tungkol sa booing na natanggap niya bago ang mga laro at mga hate comments na nabasa niya online.

“It’s just too heavy, masyado nang masakit. Just to be very honest, bastos naman talaga ‘yung mga ibang pinagsasabi so I don’t deserve it and my family doesn’t deserve it.”

Nauna nang sinabi ni Reyes na ang kanyang kinabukasan sa pambansang koponan ay nasa kamay ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).