MANILA, Philippines – Humihirit ng mas malaking pondo ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) para mas mapaigting nito ang laban kontra sa cybercrime sa 2025.
Ayon kay CICC deputy executive director Assistant Secretary Mary Rose Magsaysay, humiling na ang ahensya sa Department of Science and Technology na pondohan ang research at development project nito na layong bumuo ng bagong tool para ma-detect at malabanan ang cybercrimes katulad ng ransomware attacks at cyberfraud.
“We are funding it. We have asked the help of DOST and dinadasal namin sa Diyos na bigyan kami ng pagkakataon mapondohan,” sinabi ni Magsaysay.
“So, research and development, wala tayong choice –the tools are very expensive, hundreds of million. We have to create our own tools. We are breaking the barrier in the entry point to solve cybercrime. We are making it affordable for every single law enforcement agency.”
Oktubre ngayong taon ay nakipag-ugnayan ang CICC sa De La Salle College of Saint Benilde para sa P15-million research project na lilikha ng isang anti-smishing program.
Ang proyekto na pinondohan ng DOST, ay layong bumuo ng machine learning algorithms na kayang ianalisa ang mga pattern at matukoy ang senyales ng smishing attempts.
Inaasahan din na isasama rito ang natural language processing, isang branch ng artificial intelligence (AI) na mag-aanlisa sa content ng SMS messages sa pagtukoy sa phishing attempts na nagreresulta sa fraudulent activities at identity theft.
Inaasahang makikinabang sa research project ang mga law enforcement agencies at cyber security professionals.
Ani Magsaysay, ang AI ay may “very big role” sa pagresolba sa cybercrimes.
Noong 2025, tututok ang CICC sa pag-promote ng digital forensics laboratory para sa mga kababaihan at bata na biktima ng sexual abuse at exploitation.
“One thing about 2025 is that kailangang malaman ng ating public na mayroon na po tayong the first in the world OSAEC/CSAEM (online sexual abuse or exploitation of children/child sexual abuse or exploitation materials) digital forensics laboratory – dedicated only for the women and children, mga cases,” aniya. RNT/JGC