Home ENTERTAINMENT Janno at Melissa, ginunita ang 1st death anniv ng ama!

Janno at Melissa, ginunita ang 1st death anniv ng ama!

Manila, Philippines – Parang kailan lang noong matagpuang wala nang buhay ang beteranong aktor na si Ronaldo Valdez sa kanilang tahanan sa Quezon City.

December 17, 2023 ‘yon.

Ronaldo was 76.

Dahil unang anibersaryo ng kanyang pagpanaw, inalala ng kanyang mga anak na sina Janno at Melissa Gibbs ang ‘di inaasahang pamamaalam nito.

Sa kanyang Instagram, Janno posted their picture during their younger years.

Nilakipan ng singer-comedian ito ng caption na: “To dance with my father again. It’s been a year. Missing you.”

Ganoon din si Melissa na nag-post ng mensaheng: “In loving memory of a father who will always hold s special place in our hearts. A year may have passed but your love remains with us.”

Nitong taon din ay nag-post si Janno ng slideshow ng mga larawan nilang mag-ama.

Nilapatan niya ito ng duet nila ng nasirang aktor ng Just the Two of Us nina Bill Murray at Grover Washington Jr.

May pelikula pang naipalabas si Ronaldo makaraan ng kanyang pagpanaw.

Bale directorial debut ‘yon ni Janno.

Minabuti rin ng mag-asawang Janno at Bing Loyzaga na manirahan sa bahay ni Ronaldo after his demise.

Matatandaang binatikos si Janno sa ginawang pagbabakasyon shortly after his dad passed on sa halip na magluksa.

Ipinaliwanag naman ni Janno ang kanyang side. Ronnie Carrasco III