MANILA, Philippines – – Ibinasura ng Court of Tax Appeals (CTA) ang suit na inihain ng local agricultural firm para sa tax refund na P8.419 million.
Sa 25 pahinang desisyon na tinintahan ni Associate Justice Maria Rowena Modesto-San Pedro noong Disyembre 19, tinanggihan ng second division ng korte dahil sa kakulangan ng merit ang petisyon ng
Compostela Valley-based MD Rio Vista Agri-Ventures, Inc.
Ayon sa korte, kulang sa mga dokumento ang ipinasa ng firm na magpapatunay ng sakop na zero-rated sales transactions para makakuha ito ng tax refund sa ilalim ng batas sa value-added-tax (VAT) transactions.
Dagdag pa, sa kakulangan ng isang itemized list, walang paraan ang korte na matukoy kung ang zero-rated sales ay na-account ayon sa panuntunan.
“(I)t is well-settled that tax refunds are in the nature of a claim for exemption and, therefore, the law is construed in strictissimi juris (strictly) against the taxpayer. Accordingly, the pieces of evidence presented entitling a taxpayer to an exemption must also strictissimi scrutinized and must be duly proven,” saad sa ruling ng CTA.
“In this case, petitioner was not able to prove with competent evidence its entitlement to a refund or issuance of a tax credit certificate.” RNT/JGC