Home NATIONWIDE Higit 200K port passengers na-monitor ng PCG

Higit 200K port passengers na-monitor ng PCG

MANILA, Philippines- Nasa higit 200,000 pasahero na ang na-monitor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lahat ng daungan sa bansa nitong Disyembre 25, 2024.

Sa pinakahuling tala ng PCG, umabot sa 109,900 ang outbound passengers habang 94,232 naman ang inbound passengers.

Nasa 1,071 vessels at 1,924 motorbancas ang nainspeksyon ng mga itinalagang frontline personnel sa 16 PCG Districts.

Kung ikukumpara sa pinagsama-samang ulat noong Disyembre 24, 2025 — ang bilang ng outbound passengers ay bumaba ng 79,980 o 42 porsyento habang ang bilang ng inbound passengers ay bumaba ng 80,918 o 46 porsyento.

Napansin din ang pagbaba ng 671 (38%) sa nainspeksyong sasakyang-dagat at pagbaba ng 113 (6%) sa nainspeksyong mga motorbanca.

Inilagay ng PCG ang kanilang mga distrito, istasyon, at sub-istasyon sa “heightened alert” mula Disyembre 20, 2024 hanggang Enero 3, 2025 upang pamahalaan ang pagdagsa ng mga pasahero sa daungan na bibisita sa kanilang mga pamilya at mahal sa buhay sa mga lalawigan. Jocelyn Tabangcura-Domenden