MANILA, Philippines- Umabot na sa 69 ang mga kaso ng firecracker-related injuries na naitala sa bansa ilang araw bago ang pagsalubong ng 2025.
Sa datos na ibinahagi ng Department of Health (DOH), ang mga kaso ay naitala mula sa 62 sentinel sites na binabantayan ng ahensya kaugnay sa mga insidente ng paputok.
Ito ay mula Disyembre 22 ng alas-6 ng umaga hanggang Disyembre 26, 2024.
Ngayong araw, nasa 26 bagong kaso ng firecracker-related injuries ang naitala, ayon sa DOH.
Ito ay mas mababa sa naitalang kaso sa kaparehong petsa noong 2023 na umabot sa 52 kaso.
Mga bata pa rin at menor-de-edad ang karamihan sa mga gumagamit at biktima ng paputok.
Paalala ng DOH sa mga magulang, bantayan ang mga bata at pagbawalan na gumamit ng paputok lalo na ang Boga, 5-Star at Piccolo na pangunahing sanhi ng aksidente mula sa paputok. Jocelyn Tabangcura-Domenden