Home HOME BANNER STORY CIW inihahanda na ng BuCor sa posibleng paglilipat kay Alice Guo

CIW inihahanda na ng BuCor sa posibleng paglilipat kay Alice Guo

283
0
Hindi na napiga ng mga Senador si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nang humarap sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado.Ginigisa ng mga senador si Sual, Pangasinan Mayor Liseldo Dong Calugay sa posibilidad na relasyon o ugnayan nila ni Guo. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Handa na ang Bureau of Corrections (BuCor) sa pagtanggap sa convicted na dating alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo at iba pang mga indibidwal na ipag-uutos ng korte na ilipat sa kanilang kustodiya.

Sa kalatas, sinabi ng BuCor na ipinatutupad na ang enhanced security measures sa Correctional Institution for Women (CIW) sa direktiba ni Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr.

Inilagay na rin sa on-call status ang lahat ng mga tauhan nito mula pa nitong Huwebes, Nobyembre 20.

“CIW Corrections Technical Superintendent Marjorie Ann Sanidad informed Catapang that they have already deployed additional Corrections Emergency Response Team members to ensure peace and order within the facilities.”

Sa pagpasok ni Guo sa CIW, siya ay sasailalim sa verification ng kanyang mga dokumento at pag-aari bago ilagay sa limang araw na quarantine sa Reception and Diagnostic Center (RDC), kung saan siya naman ay sasailalim sa masusing medical examination.

Matapos nito ay ililipat siya sa regular dormitory ng RDC para sa mandatory orientation, diagnostics, at qualification.

“After completing the 60-day process at the RDC, she will be transferred to her assigned regular dormitory at the Maximum Security Camp, considering that she is sentenced to life imprisonment,” ayon sa BuCor.

Tutukuyin sa dalawang buwang assessment period ang psychological at physical needs ni Guo na magbibigay-daan sa CIW para lumikha ng individualized treatment o rehabilitation program para sa kanya.

Matatandaan na napatunayang guilty beyond reasonable doubt sa qualified trafficking ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) si Guo at ang kanyang mga akusado.

Inatasan ang mga ito na magbayad ng tig-P2 milyon at bayaran ang mga biktima ng human trafficking na naghain ng reklamo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here