Home NATIONWIDE Clark-Basco route ng PAL binuksan na

Clark-Basco route ng PAL binuksan na

MANILA, Philippines – Binuksan ng Flag carrier na Philippine Airlines (PAL) ang Clark, Pampanga patungong Basco, Batanes na flight service nito.

Sa pahayag ng PAL nitong Miyerkules, Hulyo 3, sinabi na ang Clark-Basco flight ay nagbalik na nitong Hulyo 2.

Nag-ooperate ang bagong ruta apat na beses sa isang linggo o tuwing Martes, Miyerkules, Biyernes at Linggo sa pamamagitan ng PR 2688.

Aalis ito ng Clark International Airport ng 11 ng umaga at darating sa Basco ng 12:35 ng hapon.

Samantala, ang return flight ng Basco-Clark ay tatakbo rin sa kaparehong schedule kung saan aalis ang PR 2689 ng Basco ng 1 ng hapon at darating sa Clark ng 2:35 ng hapon.

“It gives us great pride to meet the demand for flights out of Central Luzon, a strategic gateway to Northern, Central and Southern Philippines. From Clark, leisure and business travelers can likewise connect to other PAL domestic destinations via our Cebu hub,” pahayag ni PAL Express president Rabbi Vincent Ang. RNT/JGC