Home ENTERTAINMENT Claudine, aminadong madrama ang pamilya!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Claudine, aminadong madrama ang pamilya!January 20, 2025 18:50 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines- Nasa sistema na ng katawan ni Claudine Barretto ang trabaho.Sa murang edad pa lang kasi ay nagwo-work na siya kaya masasabing workaholic siya.Katunayan, ayon sa aktres, nade-depress daw siya kapag wala siyang ginagawa.Hinahanap daw kasi niya ang trabaho lalo pa’t passion niya ang pag-arte.Sa kanya namang estado, naniniwala siyang may naiambag na siya sa industrya kaya na-earn niya ang bansag na Optimum Star.Sa vlog ni Snooky Serna, hindi rin niya naitago ang kanyang hinanakit sa produ at ilang power trippers sa industrya.Aniya, kapag daw namarkahan na siya ng isang beses na unprofessional ay tila napakadamot ng mga itong magbigay ng second chances.Hindi raw nito naikukunsidera ang naging ambag ng isang tao sa kumpanya.Tungkol naman sa kanyang pamilya, aminado naman siyang madrama ang kanyang angkang Barretto.Gayunpaman, hindi naman niya ikinaila na siya ang paborito ng pamilya dahil siya ang pinakabunso.Inspirasyon din daw niya ang kanyang ina sa katatagan nito.Aminado rin siya na sa kabila ng kanyang heartaches na pinagdaanan ay hindi raw siya matipid magmahal.Katuwiran niya, minsan lang daw kasing mabuhay ang isang tao kaya ayaw niyang magkaroon ng ‘regrets’ sa buhay. Archie Liao