Home ENTERTAINMENT Claudine, nang-away ng kasambahay, hiniwalayan ni Milano!

Claudine, nang-away ng kasambahay, hiniwalayan ni Milano!

265
0

Manila, Philippines – Pasintabi muna: bukas ang Remate Online sa panig ni Claudine Barretto kaugnay ng ulat na ito sa teleradio program na Cristy Ferminute.

Ayon kasi sa tinalakay sa CFM, agad na nagwakas ang kasisimula pa lang na ugnayan sa pagitan ng aktres at ni Milano Sanchez.

Nagsimula ang kuwento nang lumipat daw si Claudine kasama ang adopted son na si Noah sa bahay ni Milano.

Siyempre, may mga dalang gamit si Claudine sa kanilang paglipat.

But an incident involving the actress and a househelp took place.

Mismong si Korina–ate ni Milano–ang nagtalaga ng kasambahay na ‘yon na matagal na palang naninilbihan sa kanila.

May kung anong pagkakamali daw ang nagawa ng kasambahay–dahilan para makatikim ito ng paninigaw mula kay Ckaudine.

Nagkataon namang naabutan ni Milano ang eksenang ‘yon.

Dahil matagal na nga naman ang paglilingkod sa kanila ng kasambahay na ‘yon, natural lang na kampihan ito ni Milano.

Hindi daw ‘yon nagustuhan ni Claudine, na hinarap si Milano at sinabing: “’Yun pa ang mas kakampihan mo? Puwes, hiwalay na tayo!”

Ayon sa CFM, marahil daw ay noon lang na-realize ng mga tao sa bahay ni Milano na ganoon pala ang ugali ni Claudine.

Ipinamukha din ng CFM na si Claudine ang “sampid” lang sa bahay kung kaya’t siya ang dapat makisama–hindi para pakibagayan.

Napagtanto din ng CFM na tama nga ang sinabi ng nagngangalang Patty, ex-girlfriend ni Milano na taga-Vancouver, Canada–na hindi magtatagal ang relasyon ng dalawa.

Muli, bukas ang Remate Online sa panig ni Claudine Barretto. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here