Home NATIONWIDE Climate Change adaptation plans dapat madaling maintindihan – CCC

Climate Change adaptation plans dapat madaling maintindihan – CCC

BINIGYANG diin ng Climate Change Commission (CCC) ang kahalagahan ng masusing paghimay ng climate change adaptation plans sa local government units (LGUs) upang masiguro na madali itong maiintindihan ng publiko.

Sa isinagawang briefing sa pinakabagong ‘agham at polisiya’ ukol sa climate change sa Pilipinas na inorganisa ng CCC sa Pasig City, tinalakay ng mga nagpartisipa ang weather patterns at inobserbahan ang climate trends sa bansa.

Sinabi ni CCC Vice Chairperson and Executive Director Secretary Robert E.A. Borje na ang climate change adaptation plans ay dapat na nakasalin sa aksyon lalo na sa lokal na antas.

“Importante na understandable na naiintindihan ang agham sa likod ng climate change. Pag hindi natin ginawa ito, we run the risk na magiging for compliance lang yung plano at dokumento,”ayon kay Borje.

“Gusto natin ang plano ay hindi lang mananatiling papel, but ito’y buhay na dokumento na magbibigay ng giya para sa dapat gawin ng ating mga LGUs, dahil sa totoo lang, ang laban talaga ng climate change is really locally led,” dagdag na wika nito.

Winika pa ni Borje na tanggap ng pamahalaan na mayroong pagtaas sa kamalayan ng publiko, lalo na matapos ang serye ng malalakas na tropical cyclones na kamakailan lamang ay tumama sa bansa.

Gayunman, sa kabila aniya ng mataas na kamalayan ng publiko, ang epektibong adaptasyon ay nangangailangan ng hight pa sa pag-unawa sa usapin.

Aniya, mahalagang mabigyan ng kapangyarihan ang LGU at tiyakin na mayroong gamit o kasangkapan ang mga ito para labanan ang epekto ng climate change.

Tinuran pa ni Borje na ang gobyerno ay may ilang national frameworks na nilikha para gabayan ang climate action, kabilang na ang National Adaptation Plan (NAP) 2023-2050 at ang Nationally Determined Contribution (NDC) Implementation Plan 2020-2030.

“Both plans must be tailored to meet the specific needs of local populations,” ayon kay Borje.

“The Philippine Development Plan’s dedicated section on climate and disaster risk resiliency also calls for localized implementation, with officials urging all sectors of society to work together for effective change,” aniya pa rin. Kris Jose