Home OPINION ‘KAPE’ DAHILAN NANG AWAYANG PBBM AT INDAY SARA?

‘KAPE’ DAHILAN NANG AWAYANG PBBM AT INDAY SARA?

NOONG  2022 na simula nang kampanya ng Uni-Team nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte, sobrang ‘sweet’ ng dalawa at ng kanilang mga kasama sa alyansa na tila hindi kayang puknatin ng kahit anong dumating na problema.

Nang sila ay maluklok sa posisyon, hindi naman kaagad nasira ang kanilang samahan at may ilang pagkakataon na ipinakikita pa rin nila sa publiko ang kanilang malalagkit na tinginan na tila walang katapusan.

Si Pangulong Marcos, dahil gentleman, ay pinagkalooban pa ng posisyon sa kanyang Gabinete si VP Duterte kung saan ibinigay dito ang Department of Education.

Ang nais na makuha ni Inday Sara ay ang Department of National Defense lamang ay hindi siya pinagbigyan dahil inisip din siguro ng Pangulong BBM na isa itong babae.

Pero makalipas ang isang taon, bigla na lang nangyari ang mga hindi inaasahan at ang mga pribilehiyo na ipinagkaloob sa pangalawang Pangulo ay unti-unting sinisiyasat at binubutasan sa hindi malamang dahilan.

Marami ang nag-aakalang  ng panggigipit kay VP Sara ay mula sa mismong Pangulo subalit ang ilan ay mayroong pinagdududahan.

Hanggang noong 2023 ay budget na ng Office of the Vice President ang kinakalkal at hinahanap ang kanyang pinagkagastusan ng confidential at intelligence fund. Siyempre, dahil ginigipit ay napilitan ang nasabing tanggapan na maglabas ng mga resibo kung saan ginastos ang pondong inilaan sa kanila.

Ang totoong pinagmulan ng awayan sa pagitan nina PBBM at VPSD ay KaPe. Hindi ito sa pagitan mismo nilang dalawa subalit ng mga nakapaligid kay Pangulong Marcos.

Kaya minsan, mismong kapatid nitong si Senator Imee Marcos ang nagsambit sa panalangin na ilayo ang kanyang kapatid sa mga nakapaligid ritong “demonyo.”

Anong “kape” nga ba ang pinag-aawayan? Ito ang KApangyarihan at PEra.

Mayroong hindi kaagad inilalagay sa larawang na nasa posisyon na naghahangad ng KAPANGYARIHAN dahil kapag nagkaroon siya nito na katulad ng sa Pangulong Marcos ay tiyak na sasapit na lang sa kanya ang PERA. Bagaman napakarami na niyang pera.

Bali-balita sa ngayon na ito ang nagpapakawala ng pera sa mga kasama niyang mambabatas na silang gumagawa nang panggigipit sa mga nasa oposisyon.

Tama! KAPE nga ang dahilan ng bangayan ngayon sa OP at OVP na hindi naman dapat sila ang talagang magsalpukan.