Home OPINION $68-M SCAM FUGITIVE NASA KAMAY NA NG CIDG!

$68-M SCAM FUGITIVE NASA KAMAY NA NG CIDG!

Good news sa libo-libong Pinoy na  nadenggoy sa kanilang ‘hard-earned- money na umaabot sa 68 million US dollars sa  investment scam ilang taon na ang nakakaraan.

Dahil, matapos maglaho na parang bula sa bansa, “finally, the long arm of the law caught up with this slippery-as-an-eel fugitive”, pahayag ni PBGen. Nicolas ‘Nick’ Torre lll.

Ang pagtatago ni Hector Aldwin Pantollana ay nagtapos nang masakote ito sa Gusti Ngurah Rai International Airport sa Bali, Indonesia noong Nobyembre 9.

Ang pagkakadakip ni Pantollana ay nakamit dahil sa koordinasyon ng  law enforcement ng Indonesia at  Philippine National Police ayon kay Gen. Rommel Marbil.

Ang Criminal Investigation and Detection Group ang inatasan ni Marbil na makipag-ugnayan sa Indonesian authorities para sa transfer ni Pantollana sa Pilipinas.

Si Pantollana, ayon kay Torre, ay nakakuha ng $68 million sa mga kababayang Pinoy na inengganyong investment partners para sa isang high profit business.

Pero ang pangakong balik na mataas na kita sa mga investor ay hindi nangyari hanggang naglahong parang bula sa kanila si Pantollana, ganun din ang kanilang pera.

Sa pamamagitan ng mga kasong isinampa ng CIDG, kabilang ang non bailable na syndicated estafa and swindling, si Pantollana ay may pitong warrant of arrest na inisyu ng korte.

Ngayon, si Pantollana ay  nasa kamay at kustodiya na ng  CIDG, nakapiit sa detention facilities sa Camp Crame ng naturang police premiere investigating body.

“Ang pagkakaaresto na ito ni Pantollana na binansagang ‘The $68-M Scam Fugitive’ ay malinaw na mensahe sa mga kalaban ng batas, ayon sa CIDG chief.

“Saan man magtago ay walang kawala ang mga kriminal. Mananatili kaming committed sa  batas at pagbibigay ng proteksyon sa publiko.” giit pa ni Torre.

Si pantollana ay sangkot sa  casino junket operation na hawig sa POGO ang aktibidad kaya dapat  pang laliman ng  CIDG ang pagsilip sa katauhan ng mamang ito.