DAHIL sa viral videos na ” standing to reserve parking” ng ilang netizens, nagpanukala ang Kongreso ng HB 11706 “to prohibit a person from physically occupying a public parking space to obstruct a vehicle from parking on the same space for parking by another vehicle”.
May kaukulang multa sa violators. Pero kailangan pa ba ng batas para dyan? Kailan maipapasa? Anong exemptions? Hindi ba kaya ng parking attendants na ipatupad ang ganyan upang ‘di na bumalangkas pa ng batas?
Paano sa mga parking ng malls at iba pang privately owned parking?
Maraming problema sa parking at hindi lang ang “standing to reserve” ang dapat bigyang pansin. Halimbawa :
- Public parking spaces na ginagawa na ” exclusive garage” ng ilan motorista. Ang parking space ay hindi garahe. Pero marami halimbawa sa Timog at Morato streets sa Quezon City ay ginagawang garahe ito ng ilang condo unit residents sa area. Tuloy ang customers ng establishments ay nawawalan ng parking.
- May ilang establishments din na ginagawang permanenteng garahe nila ang mga public parking area. Halimbawa na lang isang security agency na inakupa na ang ilang slots para doon iparada ang kanilang armoured vehicles.
- One side parking sa barangay. Maraming nagpapatupad ng one side parking pero nagkakaaway ang mga residente dahil sa hindi sapat ang one side para sa kanilang mga sasakyan . At kahit hindi residente ay nagpa-park doon.
- Exemptions sa Building code sa required parking slots ng mga condominium.
- Mga government offices na walang sapat na parking spaces.
Dahil sa dami ng sasakyan ay talagang mahirap ang parking spaces. Kulang ang mga public parking at maraming may sasakyan na walang sariling garahe.
Aminido tayo na hindi madaling solusyunan ang parking problem sa Metro Manila dahil sa dami ng sasakyan. Tuloy tumatambay na lang ang ilan sa parking slots.