MARAMING Pinoy ang pasok sa United States Armed Forces.
Sa airforce, army, navy at mga base militar.
Libo ang kanilang bilang at nakakalat sila kung saan may mga base militar and US sa US mismo at iba’t ibang bansa.
Tanong: May mga transgender ba sa mga ito?
‘Yun bang ==== Lalaki ngunit nagpaopera para maging babae.
O kaya naman, babae pero nagpaopera para maging lalaki.
O kaya’y umiinom ng gamot ang lalaki para maging babae o ang babae para maging lalaki.
LAHAT SISIBAKIN NI TRUMP
Wala nang ititirang transgender si Trump sa kanyang pwersang militar.
Sisibakin niya lahat ang 15,000 transgender..
Kahit gaano na katagal sa serbisyo o kahalaga ang ginagampanang trabaho o kataas o kababa ang ranggo nila.
Gagawin niya agad ito simula sa Enero 20, 2025 na araw ng kanyang pag-upo.
Noong nauna siyang umupo, oks lang sa kanya ang mga transgender na nakapasok na.
Pero hinarang niya ang papasok na bago.
Binago ang patakarang ito ng pumalit sa kanya na si Joe Biden.
Nagkaroon pa nga sa panahon ni Biden ng pagkakataon ang mga transgender na magpabago ng kanilang mga kasarian nang may buong suporta sa pinansya at mediko ng militar.
Binigyan din ang mga transgender ng pantay na karapatan sa lahat ng bagay mula sa paggamit ng kama, palikuran, shower room at iba pa.
Pwede silang magsampa ng kasong sex discrimination kung may lalabag sa kanilang mga karapatan.
Ngayong babalik na si Trump sa kapangyarihan, lalahatin na niya ang pagsibak sa mga transgender at haharangin niya ang pagpasok ng iba.
US MILITARY NANGHIHINA
Hindi sinasabi nina Trump at kanyang mga lider ang mga pangunahing dahilan ng pag-ayaw nito sa mga transgender.
Pero may nagsasabing duda sina Trump sa katatagan ng mga transgender sa matinding pressure sa digmaan o pagdedesisyong-militar.
Maaari ring may mga sex offender at sex scandal at kaiba sa mga sex offender at sex scandal sa pagitan ng mga normal na lalaki at babae.
May nagbabalewala rin umano sa sinasabi nilang General Order No. 1 na “no sex, no alcohol.”
Pero sa kabuuan, may mga batayan talagang dahilan kung bakit sisibakin lahat ang transgender.
TRANSGENDER NA PINOY
Ilan nga kaya ang mga Pinoy na transgender sa US military?
Walang malinaw na rekord dito ngunit ipagpalagay na lang na meron.
Paano kaya sila tratuhin ng pamahalaang Pilipinas?
Walang problema kung nakapasok na sila sa ‘Merika bilang mga US citizen dahil may pagkakataon ang mga dayuhan na maging US citizen makaraan ang medyo mahabang panahon na kanilang panunungkulan bilang mga sundalong Kano.
Pero kung bago lang sila at hindi naging US citizen, pwede kaya silang maisama sa mga maituturing na iligal na naninirahan sa US makaraan silang masibak?
Dapat isama ang mga ito sa nasa 370,000 Pinoy na palalayasin nina Trump sa 2025 dahil sa iligal na paninirahan doon.