Home METRO Clinic pampaganda sa Pasay, sinalakay sa ‘di rehistradong pampapayat, pampaputi

Clinic pampaganda sa Pasay, sinalakay sa ‘di rehistradong pampapayat, pampaputi

63
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang mga awtoridad sa publiko laban sa paggamit ng hindi rehistradong injectable whitening at slimming drugs matapos salakayin ang isang aesthetic clinic sa Pasig City na umano’y gumagamit ng hindi aprubadong produkto sa mga kliyente.

Nagsagawa ng operasyon ang National Bureau of Investigation at Food and Drug Administration matapos makatanggap ng impormasyon na nagbebenta at gumagamit ang klinika ng mga injectable na gamot na walang pahintulot ng FDA.

Sa operasyon, naaktuhan umano ang isang taong nakasuot ng white coat ng doktor na tinangkang lumabas ng silid habang may hawak na vial na gagamitin sana sa pasyente. Narekober din ang marked money na ginamit sa operasyon.

Kinumpiska ng FDA ang iba’t ibang hindi rehistradong whitening at slimming drugs sa loob ng klinika, habang natuklasan din ng mga imbestigador ang isang pasyente na nakakabit sa tinukoy na hindi rehistradong intravenous (IV) drip sa ikalawang palapag ng gusali.

Ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag, kumilos ang ahensya batay sa natanggap na tip hinggil sa ilegal na bentahan ng hindi awtorisadong gamot.

Nagbabala ang mga awtoridad na may seryosong panganib sa kalusugan ang paggamit ng hindi rehistradong injectable products dahil hindi pa nasusuri ang kaligtasan at bisa ng mga ito.

Sumailalim na sa inquest proceedings ang naarestong doktor ngunit tumanggi itong magbigay ng pahayag. Maaari siyang maharap sa kasong paglabag sa FDA Act na may parusang anim hanggang 10 taong pagkakakulong. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here