MANILA, Philippines – Isang closed van ang bumangga sa mga konkretong barrier ng EDSA Busway malapit sa MRT North Avenue Station nitong Linggo ng gabi.
Ayon sa ulat, hindi napansin ng driver ang mga barrier sa northbound lane ng EDSA kaya’t tuloy-tuloy itong sumalpok sa mga ito.
Dahil sa lakas ng impact, tumagilid ang closed van at napunta sa gilid ng kalsada.
Nagdulot ng matinding trapiko sa lugar ang aksidente dahil hindi nadaanan ang bahagi ng EDSA Busway na naapektuhan.
Nasa dalawang lane ng EDSA ang naokupa ng sasakyan, kaya dalawang lane na lamang ang natira para sa ibang motorista habang inaayos ang sitwasyon. RNT/MND