Home HOME BANNER STORY COC filing sa NCR, Abra, Ilocos Norte pinalawig

COC filing sa NCR, Abra, Ilocos Norte pinalawig

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na pinalawig hanggang Linggo, Setyembre 3, ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COCs) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) dahil sa sama ng panahon.

Ayon sa Comelec, ang extension ay sa National Capital Region (NCR), at sa mga lalawigan ng Abra at Ilocos Norte, na hanggang alas-5 ng hapon. noong Setyembre 3, Linggo.

Nauna nang kinansela ng Comelec ang trabaho sa lahat ng opisina nito sa Metro Manila dahil sa matinding pag-ulan at pagbaha, sinuspinde rin ang paghahain ng COCs.

Samantala, base sa datos ng Comelec, 767,064 na ang naghain ng kanilang COC noong 9:30 ng umaga noong Agosto 31.

Karamihan sa mga kandidato ay lalaki sa 506,440 o 66.02 percent habang ang iba ay babae sa 260,624 o 33.98 percent.

Lumalabas din sa datos na ibinigay ng poll body na 58,602 ang naghahangad na maging Punong Barangay habang 421,365 ang naghain para sa posisyon ng miyembro ng Sangguniang Barangay.

Sa kabilang banda, 46,921 ang naglalayong maging chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) habang 240,176 ang naglalayong maging miyembro ng SK.

Maliban sa mga lugar na nabanggit, ang filing ng COCs ay hanggang Setyembre 2, Sabado. RNT