Home HOME BANNER STORY COC ni Alice Guo tatanggapin ng Comelec sa Bamban

COC ni Alice Guo tatanggapin ng Comelec sa Bamban

163
0
Hindi na napiga ng mga Senador si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nang humarap sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado.Ginigisa ng mga senador si Sual, Pangasinan Mayor Liseldo Dong Calugay sa posibilidad na relasyon o ugnayan nila ni Guo. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Sinabi ng lokal na opisina ng Commission on Elections sa Bamban, Tarlac na tatanggapin nila ang Certificate of Candidacy (COC) ng dismissed mayor na si Alice Guo para sa 2025 national elections.

“Actually, wala kaming idea na magfafile siya, pero di naman kami nasurprise kasi pwedeng pwede naman siyang tumakbo eh… kasi wala pang final decision ang court. Hangga’t hindi convicted ang isang tao, pwede siyang tumakbo kahit anong posisyon,” sinabi ni Bamban Comelec Officer Edmund Salvador sa isang panayam.

Sa kabila ng pagpapatalsik kay Guo mula sa kanyang posisyon dahil sa mga kontrobersiya at kaugnayan sa illegal POGOs, siniguro ng mga abogado ni Guo na itutuloy ng dating alkalde ang kanyang hangaring makabalik sa pwesto.

“Kung talagang gusto siya ng tao, sila dapat ang humusga. Ang taumbayan dapat ang humatol kung siya ay karapat dapat na manungkulan sa kanilang lugar,” ayon sa abogado nitong si Attorney Stephen David.

Nilinaw ni David na wala pa ring desisyon ang korte sa umano’y Chinese nationality nito, na nangangahulugang pinapayagan pa rin si Guo na kumandidato.

“Comelec ang magdedecide niyan kung qualified yun o hindi, kasi yung ombudsman ruling, hindi pa naman final yun. In fact, may pending pa kaming reconsideration. Mayroon pang court of appeals pa, mayroon pang supreme court,” dagdag ni David.

Sinabi rin ni Solicitor General Menardo Guevarra na maaari pa ring magpasa si Guo ng kanyang COC dahil pending pa ang kanyang mga kaso.

Sa kabila nito, haharangin umano ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang kandidatura ni Guo.

“Well, I wouldn’t say it’s her right. She can try, but I wouldn’t say it’s her right because she’s not Filipino and she bears falsified documents,” ani Remulla.

Kung papayagang tumakbo bilang mayor ng Bamban, makakaharap ni Guo si incumbent councilor at acting Mayor Erano Timbang, Tarlac Ex-Officio Board Member at Barangay Anupul Chairman Jose Salting Jr., dating Bamban Mayor Jose Antonio Feliciano, at dating Councilor Rodolfo Escoto. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here